^

Bansa

Court Martial vs Army, Marine officers gugulong na

-
Inirekomenda na kahapon mga prosecutor ng AFP- Judge Advocate General’s Office (AFP-JAGO) kay AFP Chief Gen. Hermogenes Esperon Jr., na litisin sa General Court Martial (GCM) ang 38 mga opisyal ng Army at Marines na dawit sa bigong kudeta noong Pebrero 24. Sinabi ni AFP-PIO Chief Lt. Col. Bartolome Bacarro na nakakita ng "probable cause" ang pre-trial investigation panel sa pamumuno ni Col. Al Perreras para ituloy ang paglilitis sa GCM sa mga inaakusahang opisyal. Tumanggi muna si Bacarro na tukuyin kung sino sa 25 Army Scout Ranger at 13 Marine officers ang inirekomendang litisin sa GCM habang kasalukuyan pang isinasailalim sa masusing ebalwasyon ang rekomendasyon. Kabilang sa mga prominente sa 38 opisyal sina dating Marine Commandant Major Gen. Renato Miranda, Brig. Gen. Danilo Lim at Col. Ariel Querubin. (Joy Cantos )

AL PERRERAS

ARIEL QUERUBIN

ARMY SCOUT RANGER

BARTOLOME BACARRO

CHIEF GEN

CHIEF LT

DANILO LIM

GENERAL COURT MARTIAL

JOY CANTOS

JUDGE ADVOCATE GENERAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with