Pagpili ng susunod na Chief Justice bantayan Joker
October 27, 2006 | 12:00am
Pinaalalahanan ni Sen. Joker Arroyo ang mga kontra sa isinusulong na Peoples Initiative (PI) ng Sigaw ng Bayan at Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) na hindi dapat maging kampante dahil sa darating na Disyembre 6 ay magreretiro si Chief Justice Panganiban at maglalagay si Pangulong Arroyo ng panibagong mahistrado.
Ayon kay Sen. Arroyo, mahalaga ang magiging boto ng susunod na justice sa sandaling muling pagbotohan ng SC ang ihahaing mosyon ng Sigaw ng Bayan at ULAP dahil masyado umanong manipis ang naging desisyon ng High Tribunal na 8-7 na nagbabasura sa PI.
Kabilang si Chief Justice Panganiban sa mga bumoto ng kontra sa PI kaya ang susunod na justice ang magiging susi sa kapalaran ng ihahaing mosyon ng mga nagsusulong ng Chacha.
Wika pa ng mambabatas, posibleng kapusin sa panahon ang mga proponents ng PI dahil sa Enero ay election period na kaya maging ang plan B ni House Speaker Jose de Venecia na Constituent Assembly (Con-Ass) ay malabo nang maisulong.
Siniguro din ni Arroyo na matutuloy na ang eleksyon sa darating na Mayo 2007 at ang tanging makakapigil nito ay ang pagbabago sa Konstitusyon dahil nakasaad sa Saligang Batas na dapat magkaroon ng halalan sa Mayo 2007. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest