Bukod sa nawalan ng tahanan ang maraming pamilya nagdulot din ito ng matinding takot sa mga karatig pook. Ipinakikita lamang nito kung gaano kadelikado ang patuloy na paglagak ng imbakan ng milyun-milyong toneladang gasolina sa isang mataong lugar at siyudad.
"Kung hindi umano madedesisyunan ni Mayor Atienza para maipatupad ang kanilang ordinansa na magreklasipika sa lugar na ito para mailipat na sa ibang lugar ang oil depot dapat ay maglagay siya ng pinaka high-tech na pamatay sunog upang masigurong walang sakunang mangyayari rito na dadalhin nya sa konsensya habang siya ay nabubuhay," ayon pa rin kay Lacuna.