Oposisyon, nagbunyi
October 26, 2006 | 12:00am
Kantiyaw ang inabot kahapon ni House Speaker Jose de Venecia mula sa ilang miyembro ng oposisyon matapos ikatuwa ang ginawang pagbasura sa petisyon para sa Peoples Initiative.
Ayon kay Ilocos Norte Rep. Imee Marcos, naglaho na ang pangarap ni de Venecia na umaasa umanong magiging Prime Minister ng bansa kung mababago ang porma ng gobyerno.
"Kahibangan ang mangarap pa ng maging PM si Manong Joe dahil hindi magtatagumpay kailanman ang Charter change. Ipinakita ng Supreme Court ang kanilang pagiging independent at kailanman ay hindi ito kayang diktahan ng Malacañang," ani Marcos.
Itinuturing namang tagumpay nina House Minority Leader Francis Escudero at CIBAC party-list Rep. Joel Villanueva ang desisyon ng SC.
Pero dapat pa rin anilang maging mapagbantay ang oposisyon upang masiguradong hindi magtatagumpay ang isinusulong na Charter Change dahil siguradong sa Kongreso naman itutuloy ang laban. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended