Sa impormasyon na ipinarating sa Department of Foreign Affairs (DFA) ni Oniel Landicho, isa sa 500 OFW na nagtatrabaho sa oil refinery sa Kazakhstan, idinadamay na ang mga Pinoy sa gulo kahit hindi naman sila lumalaban.
Sa ngayon ay nagkukulong umano sa kani-kanilang mga barracks ang mga OFW at hindi na pumapasok sa kanilang trabaho sa takot na mapag-initan. Subalit nabatid na pinapasok ng mga Kazakhs ang barracks ng mga Pinoy para tingnan kung may mga Turko na nagtatago o itinatago ang mga ito.
Sinabi ni Landicho, dumaranas na ng matinding trauma ang mga OFW na kasama niyang nagtatrabaho sa oil refinery kaya muli nilang hiniling sa gobyerno na tulungan silang makaalis sa naturang lugar. (Mer Layson)