^

Bansa

10 Pinoy sugatan sa riot ng mga Turko at Kazakhs

-
Sampung Pinoy na ang nasaktan kaugnay ng nagaganap na riot sa pagitan ng grupo ng mga Turko at Kazakhs sa bansang Kazakhstan.

Sa impormasyon na ipinarating sa Department of Foreign Affairs (DFA) ni Oniel Landicho, isa sa 500 OFW na nagtatrabaho sa oil refinery sa Kazakhstan, idinadamay na ang mga Pinoy sa gulo kahit hindi naman sila lumalaban.

Sa ngayon ay nagkukulong umano sa kani-kanilang mga barracks ang mga OFW at hindi na pumapasok sa kanilang trabaho sa takot na mapag-initan. Subalit nabatid na pinapasok ng mga Kazakhs ang barracks ng mga Pinoy para tingnan kung may mga Turko na nagtatago o itinatago ang mga ito.

Sinabi ni Landicho, dumaranas na ng matinding trauma ang mga OFW na kasama niyang nagtatrabaho sa oil refinery kaya muli nilang hiniling sa gobyerno na tulungan silang makaalis sa naturang lugar. (Mer Layson)

vuukle comment

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

KAZAKHS

KAZAKHSTAN

LANDICHO

MER LAYSON

ONIEL LANDICHO

PINOY

SAMPUNG PINOY

TURKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with