20% discount sa mga may kapansanan lusot na sa Kamara

Pumasa na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas ni Las Piñas Rep. Cynthia Villar na naglalayong madagdagan ang mga incentives na nakukuha ng mga taong may kapansanan gaya ng natatanggap na insentibo ng mga senior citizens.

Layunin ng panukala na isali ang mga disabled person sa nakatatanggap ng 20% discount sa mga hotel, restaurant, recreational centers at sa pagbili ng gamot, libreng medical at dental services sa government hospitals at 20% discount naman sa mga pribadong ospital, pamasahe sa jeep, bus, eroplano at barko, at i-exempt sa income tax ang kanilang kikitain sa isang taon. "Persons with disabilities is one of the most neglected sectors of our community," ani Villar. (Malou Escudero)

Show comments