Kaso vs ABS-CBN executive, Wowowee organizer isasampa na
October 24, 2006 | 12:00am
Inaasahang ngayong linggong ito ay isasampa na sa korte ang kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide laban sa mga ABS-CBN officials at WOWOWEE organizer dahil sa pagkamatay ng mahigit sa 70 biktima sa naganap na Ultra stampede noong nakaraang Pebrero.
Ito ay matapos na ihayag ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) founder Dante Jimenez sa ginawang misang pagpapasalamat ng mga kamag-anakan ng mga nasawing biktima sa Ultra sa Pasig City.
Dakong alas-10:00 ng umaga ng magtipun-tipon ang may 200 kamag-anakan ng mga biktima ng Ultra stampede upang ipagpasalamat ang desisyon ng Department of Justice (DOJ) na sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide ang mga opisyal ng ABS-CBN na sina Charo Santos Concio, executive vice president, Ma. Soccoro Vidanes, senior vice president for television production, Marilou Almaden, executive producer at Cipriano Luspo, assistant vice president at head security ng nasabing istasyon.
Kasama ring sasampahan ng kahalintulad na kaso si Willie Revillame, host at mga organizer na sina Harold James Nueva, executive producer at manager, Norberto Vidanes, associate producer for sets and technical, director Rey Cayabyab at iba pa.
Matatandaang nitong nakaraang linggo ay inilabas na ng DOJ ang pagsasampa ng kaso matapos ang pagkamatay ng mahigit sa 70 at pagkasugat ng may 300 katao sa naganap na stampede noong Pebrero 4 habang naghahantay papasukin sa loob ng Ultra dahil sa 1st year anniversary ng noontime show na WOWOWEE. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended