GMA asar na!
October 24, 2006 | 12:00am
Nairita na si Pangulong Arroyo sa mga akusasyong ginigipit niya ang mga mahistrado ng Korte Suprema sa isyu ng Peoples Initiative (PI).
Dahil dito, hiniling ng Malacanang sa mga miyembro ng Senado at grupong kontra sa Charter Change na itigil na ang kanilang pang-iintriga sa pagsasabing pinipilit ng Palasyo ang Supreme Court para paboran ang PI.
Ayon kay Press Secretary at Presidential Spokesman Ignacio Bunye, nirerespeto ng Arroyo administration ang kalayaang gumawa ng desisyon ng Korte Suprema.
Ginawa ng Palasyo ang pakiusap matapos magpahayag sina Sen. Joker Arroyo at Sen. Richard Gordon na dapat tigilan ng Malacañang ang SC at hayaang masuri ng mga kagawad ng High Tribunal ang isinusulong na PI ng Sigaw ng Bayan at Union of Local Authorities of the Philippines.
Idinagdag pa ni Sec. Bunye, bagamat nasa 10-point agenda ng Arroyo government ang pag-amyenda sa Konstitusyon ay hindi nangangahulugan na makikialam ang Palasyo sa magiging desisyon ng Korte.
Naniniwala naman si Sen. Juan Ponce Enrile na kakatigan ng mga mahistrado ng SC ang isinusulong na PI.
Sinabi ni Sen. Enrile, pabor siyang amyendahan ang 1987 Constitution subalit sa pamamagitan ng Constituent Assembly at hindi sa pamamagitan ng PI.
Wika pa ni Enrile, posibleng magpalabas ng wise decision ang SC bukas (Miyerkules) kaugnay sa isyu ng PI.
Binatikos naman ni Sen. Aquilino Pimentel Jr. ang umanoy panggigipit ni PGMA sa mga mahistrado ng SC kaugnay sa PI isyu na mariing itinanggi naman ni Sec. Bunye.
Hiniling naman ni Anak Pawis Rep. Crispin Beltran sa SC na ibasura na nito ang inihaing PI bilang pamamaraan upang amyendahan ang Konstitusyon. (Lilia Tolentino, Malou Escudero at Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest