Ang proyekto ay tinawag na "Buhay mo Sagot Ko" kung saan katuwang ni Seneres ang Philippine National Red Cross (PNRC) at Councilor Ariel S. Arceo ng Guiguinto, Bulacan.
Sa isinagawang blood donation sa Baliuag University at Bulacan State University kamakailan, sinasabing magbibigay ng sapat na supply ng dugo na maaring gamitin para sa blood transfusion sa mga biktima ng dengue na nasa ibat-ibang hospital sa nasabing lalawigan.
Pinasimulan ni Seneres sa Bulacan ang programa dahil sinasabing critical ang nasabing probinsiya makaraang makapagtala ng pinakamataas na bilang ng dengue cases sa Central Luzon ngayong taon.
Sa rekord ng Region 3 Epidemiology and Surveillance Unit, lumilitaw na ang Bulacan ang may pinakamataas na bilang na sakit na dengue na may kabuuang 814; Nueva Ecija, 482 cases; Pampanga, 472 cases mula Enero-Setyembre taong kasalukuyan.
Ang PNRC at BUHAY Party-list ang nangungunang tumutulong ngayon sa mga pasyente na may sakit na dengue sa bansa. (Mer Layson)