Ang paniniguro ay ginawa ni Cortes, president ng North Luzon Railways Corp. (Northrail), matapos ang ginawang pormal na inagurasyon sa konstruksyon ng Northrail sa paglalatag ng riles sa Old PNR station sa Caloocan City.
Sinabi ni Cortes, chairman din ng Philippine National Railways, ang nilagdaan ng Northrail na Memorandum of Agreement sa National Housing Authority (NHA) at Housing Urban Development Coordinating Council (HUDCC) na pinamumunuan ni Vice-President Noli de Castro kung saan ay magiging prayoridad ang mga relocatees na bigyan ng trabaho ay isasakatuparan na ngayon.
Ayon pa kay Cortes, maraming pinagdaanang "unos" ang Northrail at ang pormal na pagsisimula ng konstruksyon nito noong Biyernes ang magiging katapusan ng mahabang paghihintay ng taumbayan at simula din ng makabagong mass transportation system na magbibigay ginhawa sa mga commuters patungong Central Luzon.
Inaasahang matatapos ang Phase 1 section 1 ng Northrail project na mula Caloocan-Malolos na mayroong 6 stations sa susunod na taon habang ang section 2 na mula Malolos-Clark, Pampanga ay inaasahang masisimulan na rin. (Rudy Andal)