^

Bansa

Northrail aarangkada na

-
Siniguro kahapon ni Northrail president Jose Cortes Jr. na malapit ng mapakinabangan ng taumbayan ang matagal nang hinihintay na konstruksyon ng 32-kilometrong double track na riles mula Caloocan City hanggang Malolos, Bulacan.

Ang paniniguro ay ginawa ni Cortes, president ng North Luzon Railways Corp. (Northrail), matapos ang ginawang pormal na inagurasyon sa konstruksyon ng Northrail sa paglalatag ng riles sa Old PNR station sa Caloocan City.

Sinabi ni Cortes, chairman din ng Philippine National Railways, ang nilagdaan ng Northrail na Memorandum of Agreement sa National Housing Authority (NHA) at Housing Urban Development Coordinating Council (HUDCC) na pinamumunuan ni Vice-President Noli de Castro kung saan ay magiging prayoridad ang mga relocatees na bigyan ng trabaho ay isasakatuparan na ngayon.

Ayon pa kay Cortes, maraming pinagdaanang "unos" ang Northrail at ang pormal na pagsisimula ng konstruksyon nito noong Biyernes ang magiging katapusan ng mahabang paghihintay ng taumbayan at simula din ng makabagong mass transportation system na magbibigay ginhawa sa mga commuters patungong Central Luzon.

Inaasahang matatapos ang Phase 1 section 1 ng Northrail project na mula Caloocan-Malolos na mayroong 6 stations sa susunod na taon habang ang section 2 na mula Malolos-Clark, Pampanga ay inaasahang masisimulan na rin. (Rudy Andal)

CALOOCAN CITY

CENTRAL LUZON

HOUSING URBAN DEVELOPMENT COORDINATING COUNCIL

JOSE CORTES JR.

MEMORANDUM OF AGREEMENT

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

NORTH LUZON RAILWAYS CORP

NORTHRAIL

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with