Pagbibigay ng puwesto sa ret. generals binira ni Nene
October 23, 2006 | 12:00am
Binatikos ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr., si Pangulong Arroyo dahil sa pagkuha nito sa mga retiradong heneral upang bigyan ng puwesto sa kanyang administrasyon.
Nadismaya si Sen. Pimentel sa natanggap niyang impormasyon na si dating AFP chief Gen. Generoso Senga ang pahahawakin ng Pangulo sa pamamahala ng NBN Channel 4 dahil sa pagiging tapat nito sa nabigong kudeta noong Pebrero.
Pinuna ni Pimentel ang nakagawian ni Mrs. Arroyo na pagbabayad ng utang na loob sa mga retiradong heneral na naging tapat sa kanya sa pamamagitan ng pagbibigay ng puwesto sa mga ito sa sandaling magretiro.
Kabilang sa mga binigyan ng puwesto na mga retiradong heneral ay sina dating AFP chief Narciso Abaya bilang BCDA chairman, Efren Abu bilang special envoy sa Brunei-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN growth areas, Roy Cimatu bilang ambassador at head ng Middle East Preparedness Team at Angelo Reyes bilang DENR chief.
Sa hanay naman ng PNP, itinalaga sina dating PNP chief Arturo Lomibao sa National Irrigation Administration, Leandro Mendoza bilang DOTC head, Hermogenes Ebdane bilang DPWH secretary at Edgardo Aglipay bilang general manager ng Philippine Retirement Authority. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended