600 OFWs naiipit sa riot ng Kazakhstan vs Turkish
October 23, 2006 | 12:00am
May 600 overseas Filipino workers (OFWs) ang humihingi ng tulong kay Pangulong Arroyo na iuwi na sila sa bansa dahil sa panganib na maaari nilang kaharapin bunsod ng riot sa pagitan ng mga manggagawa ng Kazakhstan at Turkish nationals.
Sinabi ng isang Eduardo Bartolome, empleyado ng Bechtel, Kazakhstan, sa ilalim ng ISD agency, na marami na ang namatay sa nasabing gulo at nalalagay sa panganib ang kanilang buhay dahil ginigipit sila ng mga Turkish national.
"Ninanakawan daw sila ng mga Turko at nagagalit sa kanila dahil kampi umano ang ilang OFW sa Kazakhstan kaya pati mga cellphones daw nila ay kinuha ng mga ito," ani Bartolome.
Wala namang iniulat na nasaktan o nasawing Pinoy sa riot. (Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended