Napag-alaman na ang librong "Asya: Noon, Ngayon at sa Hinaharap" ay natuklasan ng Marian School academic supervisor na si Antonio Go na may 431 factual at grammatical errors. Ang libro ay nilimbag ng SD Publication, sister company ng Vibal Publishing House.
Noong Setyembre 2004 naman, natuklasan din ni Go ang 300 errors sa history textbook na "Kasaysayan ng Daigdig" na inaprobahan ng DepEd para gamitin sa mga estudyante ng third year high school.
Bagamat ipinag-utos na ng National Book Development Board ang recall ng mga librong puno ng depekto, tumanggi naman ang Vibal na ipabawi ito sa mga pribado at pampublikong paaralan hanggang sa mamatay na lamang ang nasabing isyu.
Sa kabila ng kanilang nakakabobong libro, patuloy pa ring nakakakuha ng kontrata sa DepEd ang Vibal at ang kanilang sister companies.
Sinabi pa ni Lacson na kung hindi makokontrol ang monopolya ng Vibal Publishing, tinatayang P1.5 bilyong halaga ng textbook contract ang makokorner nila sa P 2.064 bilyong budget ng kagawaran bilang pambili ng textbook sa susunod na taon.
Dalawang taon na ang nakaraan ay iginiit ni Bayan Muna partylist Rep. Satur Ocampo sa Presidential Anti-Graft Commission(PAGC) na imbestigahan ang mga opisyal ng DepEd na sumuri at nagbigay ng rekomendasyon na gamitin sa mga paaralan ang mga librong puno ng kamalian.
Binigyang-diin ni Rep. Ocampo na hindi dapat ipinapakalat ang ganitong klaseng libro dahil itoy nagtuturo ng maling impormasyon sa mga mag-aaral na siyang ikasisira nila at ng bayan.