Sa command conference sa Camp Aguinaldo, sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Hermogenes Esperon Jr., ang misyon ng militar ay mapababa ang puwersa ng NPA rebels ng 50% sa mga kritikal na lugar na pinamumugaran ng mga ito hanggang 2010.
Prayoridad ng operasyon ng militar ang Southern Luzon, Bicol Region habang isusunod ang Samar, Davao at Caraga.
Ang nasabing mga lugar ay kilalang balwarte ng mga rebelde.
Inihayag ni Esperon na sisikapin ng AFP na putulin ng operational logistical at financial na suporta ng mga rebelde.
Alinsunod sa Executive Order 546, binigyan ng kapangyarihan ni Pangulong Arroyo ang AFP at PNP na magkatuwang na lipulin ang mga rebelde na sangkot sa talamak na pangongotong sa mga negosyante, pananabotahe sa mga instalasyon ng gobyerno at iba pang uri ng terorismo. (Joy Cantos)