Ayon kay SIDC Administrative and General Affairs Officer Louie Turgo, mas lalo silang magpupursiging ihanda ang mga ebidensiya laban kay Cesar Quiambao na inaakusuhan nilang "nagpadugo" sa kanilang kompanya.
Sinabi ni Turgo na mahalagang mapanagot si Quiambao sa umanoy paggamit nito sa pondo ng SIDC para sa pakinabang ng mga sarili nitong korporasyon.
Tahasang sinabi ni Turgo na mistulang "systematic plunder" ang ginawa ni Quiambao sa SIDC funds na naging sanhi ng pagkaubos ng pondo nito.
Naniniwala si Turgo na malaking tulong ang kautusan ni Gonzales para mas mabilis nilang makamit ang hustisya laban kay Quiambao.