^

Bansa

Gulo sa Makati ‘wag gatungan — M’cañang

-
Nakiusap ang Malacañang sa mga kritiko ni Pangulong Arroyo na huwag ng gatungan pa ang mainit na tensiyon sa Makati City dulot ng 60-araw preventive suspension kay Mayor Jejomar Binay at iba pang city officials.

Ang panawagan ay ginawa ni Executive Secretary Eduardo Ermita kasunod ng panawagan ng mga Obispo sa mga mamamayan na magsagawa ng kilos protesta laban sa kawalang hustisya ng pamahalaan.

Sa ginanap na Bishops-People’s Conference ng Kilusang Makabansang Ekonomiya sa St. Peter’s Church sa Quezon City, sinabi nina Novaliches Bishop Antonio Tobias at Caloocan Bishop Deogracias Iniguez na panahon na para harapin ng mamamayan ang mga pang-aabuso ng Arroyo government.

"Sana naman ay hindi tayo makarinig ng ganyang mga salita sa Obispo. Gusto ba natin talaga na maging magulo. Harinawa, huwag namang udyukan ng mga salita ng rebolusyon, pagpahingahin na natin si Andres Bonifacio," ani Ermita.

Sinabi ni Ermita na kababangon lang ng bansa sa epekto ng tangkang kudeta noong Pebrero kaya ‘wag na sanang palakihin pa ang sunog. (Lilia Tolentino)

ANDRES BONIFACIO

CALOOCAN BISHOP DEOGRACIAS INIGUEZ

ERMITA

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

KILUSANG MAKABANSANG EKONOMIYA

LILIA TOLENTINO

MAKATI CITY

MAYOR JEJOMAR BINAY

NOVALICHES BISHOP ANTONIO TOBIAS

PANGULONG ARROYO

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with