^

Bansa

Bagong produktong langis inendorso ng DOE

-
Ikinatuwa ng Department of Energy (DOE) ang pag-usbong ng isang produktong petrolyo na tinatayang sasagot sa pamahal na pamahal na presyo ng gasolina at mga pangunahing petrolyo sa bansa.

Ang X-1R, isang anti-friction protection lubricants, ay inilunsad ng American Society of Mechanical Engineers sa kart racing event na ginanap sa Kart Race, Manila Speed Zone, Taguig City kamakailan.

Namangha ang mga dumalong kart racers nang mapatakbo pa rin ng halos 28 minuto ang mga sasakyan na inalisan na ng langis ngunit ginamitan ng X-1R. Patunay ito na ang X-1R ay nagdaragdag ng fuel economy ng 10 porsyento.

Ayon kay Quantum president Harold Ledesma, malaking porsyento ng produktong krudo ang naaaksaya dahil sa masamang kondisyon ng mga lubricated engines, dahilan para gumastos ang pamahalaan ng bilyun-bilyong piso taun-taon.

Ngunit kung gagamit ng X-1R, ang matitipid na salapi ng pamahalaan ay maaari sanang magamit sa ibang energy needs ng bansa.

Upang patunayan naman ang kanilang tiwala sa produkto, ginarantiyahan ng mga pinuno ng Quantum Global Philippines, Inc. na pananagutan nila ang sinumang mapapahamak mula sa paggamit ng X-1R kapag pinatakbo ang kanilang mga sasakyan. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AMERICAN SOCIETY OF MECHANICAL ENGINEERS

ANG X

AYON

DEPARTMENT OF ENERGY

EDWIN BALASA

HAROLD LEDESMA

KART RACE

MANILA SPEED ZONE

QUANTUM GLOBAL PHILIPPINES

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with