GMA ginagamit sa text scam
October 19, 2006 | 12:00am
Isang text scam ang kumakalat ngayon kung saan ginagamit ang isang pekeng foundation na nagtataglay ng pangalan ni Pangulong Arroyo.
Isang Atty. Eduardo Gosalez na diumanoy auditor ng PGMA Charity Foundation ang nagkakalat ng text ngayon na nagsasabing nanalo ang numero ng cellular phone user ng P950,000 bilang second prize at pagkatapos ay hihilingin na siya ay tawagan sa numerong 0916-2888685 upang malaman kung paano makukuha ang naturang premyo.
Nadiskubre ang bagong text scam na ito pagkaraang alamin ng isang residente mula sa Mabalacat, Pampanga sa Office of the First Gentleman kung totoong mayroong Atty. Gosalez at PGMA Charity Foundation.
Isa ring nagpakilala namang Sec. Manuel Manding mula sa pekeng foundation ang nag-iikot sa parehong istilo. Sinasabi ng umanoy Sec. Manding na ang SIM card number ng cellphone user ay nanalo ng P680,000 sa ilalim ng DTI promotion number 0010 at kailangang tawagan siya sa 0920-3079924 para sa mga detalye kung paano makukuha ang premyo.
Binigyang-diin ni OFG Chief of Staff Undersecretary Juris Soliman na peke ang PGMA Charity Foundation at walang sinumang awtorisadong gumamit ng pangalan ni Pangulong Arroyo. (Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am