Opposition congressmen isusunod kay Binay
October 18, 2006 | 12:00am
Naniniwala si House senior deputy minority leader Alan Peter Cayetano na hindi matatapos kay Makati Mayor Jejomar Binay ang panggigipit sa hanay ng oposisyon dahil malaki ang posibilidad na isunod naman ang mga opposition congressmen at non-government organizations na kalaban ng gobyernong Arroyo.
Ayon kay Cayetano, kapansin-pansin na hindi patas ang trato ng administrasyon sa mga opisyal na may kinakaharap na kaso dahil palaging nauunang hatulan ang mga kakampi ng oposisyon.
Nahaharap din sa kasong graft ang mga kaalyado ng administrasyon na sina Metropolitan Manila Development Authority Bayani Fernando, Manila Mayor Lito Atienza, Pasig Mayor Vicente Eusebio at iba pang alkalde sa Metro Manila subalit hindi pa ito naaaksyunan.
Kaugnay nito, sinabi ni House Minority Leader Francis Escudero na kapit-bisig nilang lalabanan ang panggigipit ng Malacañang. Isa umanong harassment ang ginawang pagsuspinde kay Binay na isang kilalang kritiko ng administrasyon.
Sinabi rin ni Senate Majority Leader Francis Pangilinan na lalo lang magkakawatak-watak ang ating bansa sa pagpataw ng suspensiyon laban sa mga alkalde na kontra sa pamahalaan ni Arroyo kaya mas maigi umanong pag-isipan muna ang pagsuspinde kay Binay. (Malou Escudero/Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am