^

Bansa

Ex-senator Tatad, et al ipinaaaresto

-
Nagpalabas kahapon ng warrant of arrest ang Manila Regional Trial Court (RTC) laban kay dating Senador Kit Tatad at ang chief of reporter ng isang broadsheet dahil sa kasong libelo na isinampa ni First Gentleman Mike Arroyo.

Bukod kay Tatad, pinaaaresto din ni RTC Branch 26 Judge Silvino Pampilo Jr. si Ellen Tordesillas, chief of reporter ng pahayagang Malaya na mayroong address na Peoples Independent Media Inc. No. 371 Bonifacio Drive, Port Area, Manila at si Amado Macasaet, Publisher ng nasabing pahayagan gayundin ang mga reporter na sina JP Lopez at Regina Bengco.

Pinaglalagak ng korte sina Tatad at Tordesillas ng halagang P10,000 bawat isang bilang ng kasong libelo.

Nag-ugat ang nasabing kaso nang lumabas sa pahayagang Malaya na may petsang May 19, 2004 ang mga artikulo nila Lopez at Bengco nag-uugnay kay Arroyo na tinangka nitong imanipula ang resulta ng eleksyon para pabor kay President Arroyo.

"First Gentleman Jose Miguel Arroyo is the administration’s "chief operator" in its attempt to manipulate election results in favor of President Arroyo, the Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino said yesterday", "KNP Senatorial candidate and former Sen. Francisco Tatad said President Arroyo’s operatives" are all over Mindanao, led by her famous husband", nakasaad pa sa artikulo. (Gemma Amargo-Garcia)

AMADO MACASAET

ELLEN TORDESILLAS

FIRST GENTLEMAN JOSE MIGUEL ARROYO

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

FRANCISCO TATAD

GEMMA AMARGO-GARCIA

JUDGE SILVINO PAMPILO JR.

LOPEZ

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

NAGKAKAISANG PILIPINO

PRESIDENT ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with