^

Bansa

Nagbitiw na 7 BON members tinanggap ni GMA

-
Tinanggap ni Pangulong Arroyo ang pagbibitiw ng pitong miyembro ng Board of Nursing (BON) matapos ang naganap na kontrobersya sa nakaraang nursing board examination.

Sinabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita, matagal na umanong inihain ang pagbibitiw ng 7 miyembro ng BON pero hindi kaagad ito naaksyunan ng Pangulo dahil wala pang maipapalit sa kanila.

Ayon kay Ermita, ang mga miyembro ng lupon sa pagsusulit ng nurses ang siyang naghahanda ng mga katanungan sa nursing licensure exam.

Mayroon na umanong talaan ng mga nominado para sa BON at pinal nang inihahanda ang pagtatalaga sa mga ito matapos makumpirma ang pagsang-ayon nila sa puwesto.

Ang 2 miyembro ng BON na sina Anicia Dionisio at Virginia Madeja ay kapwa kinasuhan ng kasong paglabag sa PRC Modernation Act matapos lumabas at makaabot sa mga review centers ang iniingatan nilang mga katanungan para sa pagsusulit ng mga nurses noong June 2006. (Lilia Tolentino)

ANICIA DIONISIO

AYON

BOARD OF NURSING

ERMITA

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

LILIA TOLENTINO

MODERNATION ACT

PANGULONG ARROYO

VIRGINIA MADEJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with