Monopolyo sa textbooks paiimbestigahan ni Lacson
October 17, 2006 | 12:00am
Hiniling kahapon ni Sen. Panfilo Lacson sa Senado na imbestigahan ang monopolyo sa bidding procedures para sa textbooks ng Department of Education (DepEd) ng Vibal group of publishing.
Sa nakuhang dokumento ni Sen. Lacson, lumilitaw na halos 75.96 porsyento ng mga bidding para sa textbooks ng DepEd mula 1999-2004 ay napunta sa grupo ng Vibal na umaabot ng P2, 658,756,511.
Nagtataka din si Lacson dahil nitong Feb. 28 ay na-disqualify ang Vibal group ng inter-agency bids and awards committee ng DepEd dahil sa conflict of interest makaraang matuklasan na ang mga kumpanyang Watana Phanit Printing and Publishing, SD Publishing, Alkem at JTW ay pawang partners ng Vibal Publishing House Inc. subalit sinaklolohan ito ng mga kinatawan ng World Bank kung saan ay hiniling na balewalain ang naging violation nito.
"Each company of the Vibal Group bids for and against each other to create the appearance of competition and in collusion with each other. These are grounds for disqualification for clear violation of the Procurement Act and bidding guidelines. However, despite the antecedent violations, the companies of Vibal group have never been disqualified anent the obvious ground for their ineligibility," paliwanag pa ng mambabatas.
Kabilang ang Vibal, Watana Phanit at Daewoo International Corporation sa nakakopo ng mas malaking mga kontrata sa pag-iimprenta ng mga textbooks para sa mga libro ng Sibika, Heograpiya, Kasaysayan at Sibika (Hekasi), Araling panlipunan at mga teachers manual.
Naghain si Lacson ng senate resolution no. 570 kung saan ay hinihiling sa senate committee on education at blue ribbon committee na imbestigahan ang nasabing monopolyo ng Vibal group sa pag-iimprenta at pagsusuplay ng mga textbooks at teachers manual. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended