^

Bansa

Gloria nag-‘teka, teka’

-
Ipinagpaliban ng Palasyo ang nakatakdang panunumpa sa tungkulin ng mga pumasang nurses sa June 2006 licensure examination.

Ayon kay Executive Secretary Eduardo Ermita, napagkasunduan nina Labor Secretary Arturo Brion, Solicitor-General Eduardo Nachura at ilang legal officers ng Office of the President na pansamantalang huwag ituloy ang nakatakdang oath-taking kahapon.

Sinabi ni Sec. Ermita, hindi pa kasi opisyal ang ipinalabas na desisyon ng Court of Appeals dahil may 15 araw pang palugit bago maipatupad ang desisyon ng korte.

Sa loob ng 15 araw ay binibigyan ng pagkakataon ang interesadong panig para magharap ng kanilang mosyon.

Wika pa ni Ermita, kapag itinuloy ng Professional Regulatory Commission (PRC) ang panunumpa sa mga pumasang nurses ay baka magkaroon ng problema.

Nadismaya naman ang may 2,000 hanggang 3,000 pumasang nurses sa nakaraang pagsusulit na nagtungo sa PRC matapos hindi matuloy ang kanilang oath-taking.

Naghain naman ng mosyon sa CA ang mga nursing students at faculty members ng University of Sto. Tomas upang baligtarin ang naunang desisyon nito sa selective re-take ng nursing licensure exam.

Iginiit ng UST faculty ng College of Nursing, League of Concerned Nurses at Binuklod na Samahan ng mga Student Nurses sa kanilang 15-pahinang petisyon na dapat ay magkaroon ng "nationwide" re-take at hindi lamang ang 1,687 examinees. (Lilia Tolentino, Gemma Garcia at Grace Dela Cruz)

vuukle comment

COLLEGE OF NURSING

COURT OF APPEALS

ERMITA

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

GEMMA GARCIA

GRACE DELA CRUZ

LABOR SECRETARY ARTURO BRION

LEAGUE OF CONCERNED NURSES

LILIA TOLENTINO

OFFICE OF THE PRESIDENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with