^

Bansa

Sangkot sa Mindanao bombing: Murder vs JI bombers

-
Sasampahan ngayon ng PNP ng kasong multiple murder at frustrated murder ang mga pangunahing bombers kabilang ang sinasabing mastermind na si Jemaah Islamiyah (JI) terrorist Dulmatin kaugnay ng madugong pambobomba sa Central Mindanao kamakailan na kumitil sa 6 katao at mahigit 30 naman ang nasugatan.

Sinabi ni Police region 12 director Chief Supt. German Doria, nangunguna sa talaan ng kanilang kakasuhan ay si Dulmatin na siya ring utak sa Bali bombing noong 2002.

Bukod dito, sasampahan din ng kaso sina Abdul Bashir Usman na umano’y kaalayado ng grupo ni Indonesian bomber Dulmatin at Umar Patek.

Si Usman ang sinasabing inutusan ni Dulmatin na isagawa ang pambobomba sa Central Mindanao batay na rin sa nare-cover na SIM card mula sa isang cellphone na nakakabit sa isang hindi sumabog na bomba noong nakalipas na linggo sa Makilala, North Cotabato.

Sa impormasyon ng pulisya, isang lokal na terorista si Usman pero ayon naman kay North Cotabato Gov. Emmanuel Pinol ay isa itong lehitimong commander ng Moro Islamic Liberation Front at pamangkin ni yumaong MILF chairman Hashim Salamat.

Sa inisyal na ulat ng PNP, mayroon silang saksi na magtuturo na si Usman ang utak sa serye ng pambobomba sa Central Mindanao nitong nakalipas na Okt. 10 at 11 sa Tacurong City, Sultan Kudarat, Makilala at Cotobato City.

May hinala ang pulisya na ganti ito ng mga terorista sa pagkakahuli sa asawa ni Dulmatin na si Oemar Sovie sa Patikul, Sulu noong Oktubre 3. (Joy Cantos)

ABDUL BASHIR USMAN

CENTRAL MINDANAO

CHIEF SUPT

COTOBATO CITY

DULMATIN

EMMANUEL PINOL

GERMAN DORIA

HASHIM SALAMAT

JEMAAH ISLAMIYAH

JOY CANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with