Pagbabawal sa 2-stroke motorcycles dagdag unemployment sa bansa
October 14, 2006 | 12:00am
Ang planong pagbawal ng paggamit ng two-stroke motorcycle ay maglilikha lamang ng karagdagang suliranin sa bansa partikular sa unemployment dahil karamihan sa halos isang milyon tricycles ay gumagamit nito.
Ang two-stroke motorcycle ay kilala na 10 beses na mas malakas magbuga ng polusyon tulad ng carbon monoxide, hydrocarbon, particulate matter, nitrogen oxide, benzene, at lead kumpara sa mga sasakyang gaya ng kotse at iba pa.
Ngunit ayon kay Khaos Super Gas inventor Pablo Planas, posibleng maisalba ang napipintong pagkawala ng two-stroke motorcycle dahil sa kanyang imbensyong "Cyclos" na nagbibigay rin ng katipiran sa konsumo ng gasoline at iniibsan ang polusyon na halos 99 porsyento gaya ng Khaos na nagbibigay rin ng tamang timpla ng hangin sa gasoline para ito ay kumpletong masunog at walang masayang. "Hindi solusyon ang pagtanggal sa two-stroke motorcycle dahil ito ang kinabubuhay ng maraming ordinaryong Filipino," ayon kay Planas.
Karamihan sa mga tricycle sa lalawigan at sa Metro Manila ay two-stroke dahil sa lakas ng power nito, mas mura at madaling imintina, mas maliit ang makina, at mas mababang nitrogen oxide emission kumpara sa four-stroke motorcycle. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest