Sa limang pahinang desisyon ni Executive Secretary Eduardo Ermita, ipinataw kay Evardone ang 90 araw na supensiyon at inutusang bakantehin nito ang kanyang puwesto matapos katigan ng Palasyo ang reklamo ng Ernest Printing Corp. tungkol sa dinayang public bidding.
Unang ibinulgar ng mga private printers na Eastland Printink Inc., Ernest Printing Corp. at Best Forms Inc. ang monopolyang nangyayari sa bidding sa loob ng NPO, katulad ang alegasyong pinapaboran ang mga opisyales ng Bids and Award committee (BAC) ang isang kumpanya na pinaghihinalaang kasabwat sa illegal transaction ng mga ito.
Kinatigan ng anti-graft body ang reklamo ni Anselmo Badillo, sales manager ng Ernest Printing tungkol sa "unsatisfactory performance" ni Evardone kung saan napatunayang walang written invitation ang NPO sa Commission on Audit (COA) sa nangyaring bidding at sa lahat ng mga bidders, partikular sa mga kinatawan ng mga printers taliwas sa itinatadhana ng batas. (Lilia Tolentino/Rudy Andal)