^

Bansa

NPO director suspindido ng 90 days

-
Napilitang suspindihin ng Malacañang si National Printing Office (NPO) director Felipe Evardone sa rekomendasyon ng Presidential Anti-Graft Commission kaugnay sa maanomalyang bidding.

Sa limang pahinang desisyon ni Executive Secretary Eduardo Ermita, ipinataw kay Evardone ang 90 araw na supensiyon at inutusang bakantehin nito ang kanyang puwesto matapos katigan ng Palasyo ang reklamo ng Ernest Printing Corp. tungkol sa dinayang public bidding.

Unang ibinulgar ng mga private printers na Eastland Printink Inc., Ernest Printing Corp. at Best Forms Inc. ang monopolyang nangyayari sa bidding sa loob ng NPO, katulad ang alegasyong pinapaboran ang mga opisyales ng Bids and Award committee (BAC) ang isang kumpanya na pinaghihinalaang kasabwat sa illegal transaction ng mga ito.

Kinatigan ng anti-graft body ang reklamo ni Anselmo Badillo, sales manager ng Ernest Printing tungkol sa "unsatisfactory performance" ni Evardone kung saan napatunayang walang written invitation ang NPO sa Commission on Audit (COA) sa nangyaring bidding at sa lahat ng mga bidders, partikular sa mga kinatawan ng mga printers taliwas sa itinatadhana ng batas. (Lilia Tolentino/Rudy Andal)

ANSELMO BADILLO

BEST FORMS INC

BIDS AND AWARD

EASTLAND PRINTINK INC

ERNEST PRINTING

ERNEST PRINTING CORP

EVARDONE

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

FELIPE EVARDONE

LILIA TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with