Walang Pinoy sa plane crash sa NY
October 13, 2006 | 12:00am
Walang napahamak na Pinoy na nagtatrabaho sa isang 52-palapag na gusali na sinalpok ng isang eroplano sa Manhattans Upper East Side sa New York.
Ito ang inihayag ni Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo na agad nakipag-ugnayan sa Philippine Nurses Association sa New York matapos ang pagbagsak ng eroplano.
Ayon kay RP Ambassador to UN Lauro Baja, anim na bloke lamang ang layo ng embahada ng Pilipinas sa pinagbagsakan ng single-engine na eroplano sa 72nd Street kung saan ay apat na katao ang sinasabing nasawi sa aksidente, kabilang ang piloto na New York Yankees pitcher na si Cory Lidle at may-ari ng eroplano.
Noong una ay pinaghinalaang terroristics attack ang nangyari ngunit kalaunan ay napag-alamang isang aksidente.
Sinasabing galing ng Teterboro Airport sa New Jersey, malapit sa Manhattan ang eroplano at nagawa pa nitong umikot sa Statue of Liberty nang bigla umanong magka-problema sa makina. (Mer Layson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended