Nais ni Sen. Gordon na maipasa na ang kanyang bill na magiging daan umano upang mawala na ng tuluyan ang palaging reklamo ng mga kandidato na dayaan sa tuwing may eleksyon.
Tutol naman si Sen. Osmeña dahil na rin sa pagkakaroon ng human intervention sa isinusulong na computerization ng eleksyon kaya posibleng magkaroon pa rin ng dayaan kaya mabuti pang isantabi muna ito at manatili tayo sa manual counting.
Ikinagalit ni Gordon ang patuloy na pagtutol ni Osmeña sa kanyang bill hanggang sa hampasin nito ang rostrum habang siya ay nagtatanggol para sa kanyang panukalang batas.
Lumabas naman ng session hall si Osmeña upang mag-CR at pagbalik nito ay panay pa rin ang salita ni Gordon kaya napilitang suspendihin ang sesyon. (Rudy Andal)