Sa hearing kahapon ng House special committee on Metro Manila Development na pinamumunuan nina Muntinlupa Rep. Rozzano Rufino Biazon at Pasay City Rep. Consuelo Dy, napag-alaman na nabigo ang mga local government units na ipatupad ang mga kasalukuyang batas sa ilalim ng National Building Code bago magbigay ng permits sa mga billboard operators.
May mga billboard advertisements rin na walang kaukulang permiso kundi local clearances lamang.
Ayon kay Biazon, nagkakaroon ng problema sa pagpapatupad ng batas at dapat umanong alamin kung sino ang dapat managot sa mga substandard structures na mga billboards.
Sinabi naman ni Outdoor Advertisers Association of the Philippines (OAAP) President Francisco Abueva, na dumalo rin sa hearing na hindi nila kinukunsinti ang mga nagtatayo ng illegal structures at pinapatalsik nila sa asosasyon ang mga lumalabag sa kanilang code of ethics. Napagkasunduan rin ng OAAP na baklasin ang mga billboards na walang permiso. (Malou Escudero)