Sa inisyal na report na tinanggap ng Office of the Civil Defense, sinabi ni Orlando Guardacasa, senior science research specialist ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs), naitala ang pagputok dakong 5:06 ng hapon at nasundan dakong 5:35 ng hapon kung saan ang abo ay patungo sa direksiyon ng poblacion sa bayan ng Casiguran.
"We are still studying the circumstances. We have no initial report except for our instrument readings that recorded the explosion," pahayag ni Guardacasa.
Inihayag ni Casiguran Mayor Edwin Hamor na walang nakahandang evacuation center sa Sorsogon ng maitala ang pagsabog dahil matinding sinalanta ng bagyong Milenyo ang Bicol Region.
Nagsimulang mag-alburoto ang Bulusan noong Marso 21 pero pagkaraan nito ay nanahimik. Huling nagbuga ng abo ang bulkan nitong Hunyo 28. (Joy Cantos)