Pinoy Inventor Nag-Alok Ng Solusyon: 2-M tao namamatay kada-taon sa polusyon
October 9, 2006 | 12:00am
Nag-aalok ngayon ng solusyon ang isang Pinoy inventor sa pamahalaan upang matugunan ang lumalalang problema sa air pollution matapos isiwalat ng World Health Organization (WHO) na mayroong 2 milyong tao ang namamatay kada taon dahil sa maruming hangin.
Ayon kay Pablo Planas, imbentor ng Khaos Super Gas Saver, napapanahon na para baguhin ang ilang probisyon ng Clean Air Act, partikular ang emission testing standard na 4.5 at gawing .05 gaya ng pamantayan ng Environmental Protection Agency (EPA) ng Amerika.
Ayon sa WHO magagawang magkaroon ng magandang kalidad ng hangin sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mas striktong air pollution standard at maibaba rin sa halos 15 porsyento ang bilang ng mga namamatay dahil sa maruming hangin.
"Kung talagang seryoso ang ating pamahalaan na tugunan ang panawagan ng WHO sa pagkakaroon ng mataas na kalidad ng hangin, dapat siguro suportahan nila ang aking imbensyon," ayon kay Planas, "ang solusyon sa polusyon ay nasa Pilipinas," dagdag pa niya.
Ang Khaos ay pumasa na rin sa maraming test na ginawa ng Land Transportation Office (LTO) at Department of Environment and Natural Resources (DENR).
"By reducing air pollution levels, we can help countries to reduce the global burden of disease from respiratory infections, heart disease, and lung cancer which they otherwise would be facing. Moreover, action to reduce the direct impact of air pollution will also cut emissions of gases which contribute to climate change and provide other health benefits," pahayag ni Dr. Maria Neira, WHO Director of Public Health and the Environment. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest