Reklamo vs Calixto mabigat daw
October 8, 2006 | 12:00am
Mabigat at seryoso umano ang mga ebidensiyang isinumite laban kay suspended Pasay City Vice Mayor Antonino Calixto dahilan para bigyan ito ng panibagong 60-day suspension ng Malakanyang na ipinatupad kamakalawa ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Si Calixto ay nahaharap sa kasong grave abuse of authority, nonfeasance and dereliction of duty na isinampa laban sa kaniya ng apat na konsehal ng nasabing siyudad na sina acting Mayor Allan Panaligan, acting Vice Mayor Arvin Tolentino, Marlon Pesebre at Jonathan Cabrera.
Ang kaso ay nag-ugat sa pagkakatanggal ni Calixto sa mga empleyado ng apat at palitan niya ang mga ito ng kanyang sariling mga empleyado.
Ang bawat konsehal ay mayroon sanang mga 25 casual employees at 35 contractuals. Mula July 2004 hanggang taong 2005, ayon sa apat, imbes 25 ay limang casual employees na lamang ang itinira ni Calixto sa kanilang apat at imbes na 35 ay 16 contractuals na lamang. Ang ipinampuno sa kakulangan ay pawang sariling mga tao umano ni Calixto.
Bukod dito, nabungkal din ang garbage anomaly na inuugnay kay Calixto, ang isyu ng 100 ghost employees at anomalya sa janitorial services contract.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest