Pag-absuwelto ng Ombudsman sa Comelec iaakyat sa SC
October 8, 2006 | 12:00am
Idudulog ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel, Jr. sa Korte Suprema ang usapin hinggil sa pag-absuwelto ng Ombudsman sa mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) na nasangkot sa anomalya ng Automated Counting Machines (ACMs).
Ayon kay Sen. Pimentel, masalimuot ang desisyon ng Ombudsman dahil kumontra ito sa resolusyon ng Korte na may pagkakasala ang mga opisyal ng Comelec. Aniya, malinaw na nilabag ang alituntunin sa bidding, pero pagdating sa Ombudsman ay nabalewala ito.
Inakusahan pa ni Pimentel ang mga tagapagtanggol ng Ombudsman at Mega Pacific na inililihis ang isyu sa automation sa alegasyong ang mga nagreklamo ay hindi raw humarap sa Ombudsman.
Aniya, hindi ito ang sagot dahil ang naging basehan ng mga nagreklamo ay ang desisyon n Korte Suprema kaya kahit ilang libong beses pa dumalo ang mga nagreklamo ay walang mangyayari dahil may nakasampa nang kaso. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest