Imelda lusot sa graft

Pinawalang-sala kahapon ng Sandiganbayan Fifth Division si dating Unang Ginang Imelda Marcos sa isa sa 11 kasong graft na isinampa laban dito. Naabsuwelto rin ang kapwa akusado ni Marcos na si Conrado Benitez.

Ang kaso ay nag-ugat sa akusasyon na mayroong silang financial interest sa Technology Resource Center Foundation Inc., habang nanungkulan sa gobyerno, na isinampa may 13 taon na ang nakararaan.

Hindi napigilan ni Mrs. Marcos ang pagluha matapos basahin ang dispositive portion ng 36 pahinang resolusyon ng korte sa pagdinig kahapon ng hapon. Pinasalamatan din ng dating Unang Ginang ang korte dahil sa ibinabang desisyon na nagpapawalang sala sa kanya.

Sampung graft cases pa ang nakasampa sa dating First Lady sa Sandiganbayan. (Malou Escudero)

Show comments