^

Bansa

4 killers ng obispo nalambat

-
Nahuli na ng mga operatiba ng pulisya ang apat kataong pinaghihinalaang killer ni Tarlac City Aglipayan Bishop Alberto Ramento sa isinagawang serye ng operasyon sa Central Luzon nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ni PNP Chief Director Gen. Oscar Calderon ang mga nasakoteng suspek na sina Michael Viado, Michael Quitalig alyas Bembol, Raymon Perez at Joel Villanueva.

Si Viado ang lider ng bagong sibol na Magic Group robbery/holdup gang na sangkot sa mga kaso ng petty crimes partikular ang shoplifting at cellphone snatching.

Nahuli ang apat matapos i-tip sa pulisya ng mismong mga magulang ni Bembol ang posibleng partisipasyon ng kanilang anak sa karumal-dumal na pagpaslang sa obispo.

"Evidence gathered, including the retrieval of the victim’s ring and DVD player from the suspects, indicate that the case is robbery with homicide, and it was incidental that the victim is Bishop Ramneto," pahayag ni Supt. Rudy Lacatin, hepe ng Tarlac City Police.

Kasabay nito, inihayag ni Tarlac Provincial Police Director Sr. Supt. Nicanor Bartolome na pagnanakaw ang motibo ng krimen taliwas sa paratang ng militanteng grupo na may bahid ng pulitika ang insidente.

Sa interogasyon ay inamin ng mga suspek ang pagpatay sa obispo noong Oktubre 3. Ang biktima ay natagpuang tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan sa tinutuluyang kumbento sa lungsod.

Inihahanda na ang kasong kriminal laban sa mga salarin. (Joy Cantos)

BEMBOL

BISHOP RAMNETO

CENTRAL LUZON

CHIEF DIRECTOR GEN

JOEL VILLANUEVA

JOY CANTOS

MAGIC GROUP

MICHAEL QUITALIG

MICHAEL VIADO

NAHULI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with