Ayon sa Kalihim, inaasahang mag-aangkat ang bansa ng may 3 milyong kilo ng manok sa mga dayuhang bansa partikular sa Singapore upang hindi dumanas ang Pilipinas ng pagkakapos ng suplay ng manok sa holiday season.
May lokal na produktong manok anya ang bansa pero hindi ito sapat para sa tumataas na pangangailangan ng bansa sa manok lalu na sa Disyembre.
"Sa buwan ng Disyembre at Enero ang importation na gagawin natin sa produktong manok para di dumanas ng pagkakulang ang bansa sa manok," sabi ni Panganiban.
Sinabi ni Panganiban na hanggang Nobyembre na lamang aabot ang imbak na manok sa bansa.
Wala naman anyang kakapusan sa suplay ng karne ng baboy, baka at iba pang produktong pang-hayupan dahilan sapat ang suplay nito sa pangangailangan ng bansa dahilan sa hindi naman anya ito naapektuhan ng naturang bagyo. (Angie dela Cruz)