Prosecutor sa Subic rape case idiniin
October 5, 2006 | 12:00am
Nagsumite ng mga ebidensiya ang 23-anyos na Subic rape victim na nagpapatunay sa umanoy panghihikayat sa kanyang pamilya ni DOJ Senior State Prosecutor Emilie delos Santos upang pumayag na makipag-areglo sa apat na US Marines.
Batay sa affidavit ng nakatatandang kapatid ni Nicole na si Ricsan at inang si Susan Nicolas, bandang alas-5 ng hapon noong July 14, 2006 sa Coffee Bean and Tea Left nang makipagkita sila kay delos Santos.
Sinabi aniya ni delos Santos na kung ano ang gusto at kung ano ang nais na hingin ay isulat lamang. Kung nanaisin pa umano ni Nicole na mag-permanent status sa US ay puwede rin habang si Gng. Nicolas naman ay maaaring mabigyan ng multiple entry visa.
Hinikayat din aniya sila ni delos Santos na sabihin lamang kung magkano ang salaping kakailanganin sa balak na pagma-migrate sa US.
Pinatunayan din ni Ricsan ang nasabing pakikipagkita sa kanila ni delos Santos na nagpahiwatig pa na maaaring ang maging kapalit ng kanyang kaso ay ang kinakaharap na asunto ni dating Agriculture Undersecretary Jocjoc Bolante sa US.
Aniya, itinago nila sa kaalaman ni Nicole ang nasabing miting upang hindi na makadagdag sa panghihina ng loob ng biktima.
Muling iginiit ni Nicole kay Gonzalez na palitan si delos Santos. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended