Problema ng Kamara ang mga pasaway na kongresista na palaging absent sa sesyon lalo pat minamadali ngayon ang pagpasa ng P1.13 trilyon 2007 budget.
Ilang oras na nabitin kahapon ng umaga ang pagsisimula ng marathon session dahil wala na namang quorum o sapat na bilang ng mga kongresista para masimulan ang sesyon.
Sinabi naman ni Sandoval na walang silbi ang gagawin nilang marathon session kung hindi sisipot sa plenaryo ang mga kongresista.
Pero siniguro ni House Majority Leader Prospero Nograles na hindi nila papayagang muling magkaroon ng re-enacted budget.
Ayon kay Nograles, kahit abutin sila ng madaling araw ay kanilang gagawin ang deliberasyon maaprubahan lamang ang 2007 proposed national budget.
Prayoridad ng Kamara ang budget para sa susunod na taon at ikalawa sa agenda ang Charter Change. (Malou Escudero)