Ayon kay Jesuit priest Father Romeo Intengan, hinihiling nila sa Comelec na masusing suriin ang mga grupo o partylist upang hindi makadagdag pa sa mga grupong nagiging front ng mga communist o ultra-rightist rebels.
Sinabi ni Intengan na ang anti-democratic groups ay hindi na dapat pang payagang makilahok sa nalalapit na eleksiyon dahil inaabuso ng mga grupong ito ang kalayaan.
Bukod sa mga ito, dapat ding pagtuunan ng pansin ng Comelec ang ultra-rightist groups dahil ang demokrasya sa panahon ngayon ay sa pagitan ng leftist at rightist groups at hindi sa pagitan ng democratic at anti-democratic forces. Iginiit nito na ang grupo na kabilang sa extreme left at extreme right ay banta sa demokrasya. (Doris Franche)