Isang count ng graft case ang isinampa laban kay Binay, apat naman sa kanyang asawa na nanilbihan ring mayor ng Makati.
Kinasuhan rin sina Ernesto Aspilaga, head ng General Services department ng Makati City government; Li Yee Shing, Jason Li at Vivian Edurise, mga corporate officers ng Office Gallery International Inc., at ilan pang John Does.
Inirekomenda ang P30,000 piyansa sa bawat counts ng graft case.
Ayon sa COA, mahigit sa P100 milyon ang nalugi sa gobyerno dahil sa maanomalyang kontrata. (Malou Escudero)