^

Bansa

Dahil kay Jamby: Pimentel, Enrile nagkasagutan

-
Nagkainitan kahapon sa sesyon sina Sen. Juan Ponce Enrile at Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. habang tinatalakay ang Anti-Terrorism bill.

Ayon kay Sen. Enrile, ilang ulit na siyang sumalang sa pagtatanong ng ilang senador mula pa noong Pebrero hanggang nitong nakaraang buwan, subalit hindi pa rin ipinapasa ang naturang panukala.

Gusto ni Enrile na tapusin na ng Senado ang debate sa naturang bill pero iginigiit ni Sen. Pimentel na marami pang gustong magtanong gaya ni Sen. Jamby Madrigal.

Nais ni Enrile na isalang na sa botohan ang anti-terror bill at huwag nang hintayin pa si Sen. Madrigal dahil palaging wala ang senadora.

Duda ni Enrile ay gumagawa ng delaying tactics si Madrigal at ang oposisyon para harangin ang pagpasa ng napaka-importanteng batas laban sa terorismo.

Pero sinuportahan si Madrigal ng kanyang kakampi sa minorya hanggang sa magsagutan sina Pimentel at Enrile dahilan para tapusin ni Senate President Manuel Villar Jr. ang sesyon upang payapain ang dalawa. (Rudy Andal)

ANTI-TERRORISM

AYON

DUDA

ENRILE

JAMBY MADRIGAL

JUAN PONCE ENRILE

NAGKAINITAN

RUDY ANDAL

SENATE MINORITY LEADER AQUILINO PIMENTEL JR.

SENATE PRESIDENT MANUEL VILLAR JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with