Bishop na anti-Chacha tinodas!
October 4, 2006 | 12:00am
Isang Obispo na kilalang kritiko ng political killings at Charter change ang pinatay sa saksak sa loob ng tinutuluyang kumbento sa Tarlac City kahapon ng madaling araw.
Kinilala ang biktima na si Bishop Alberto Ramento ng Iglesia Filipina Independiente, chairperson ng IFI Supreme Council of Bishops. Ang bangkay ng Obispo ay natagpuan sa sala ng kumbento na may apat na tama ng saksak.
Bilang chairperson ng IFI Supreme Council of Bishops, sinusuportahan ni Ramento ang mamamayan ukol sa mga "peoples issues" tulad ng Chacha at political killings. Sinuportahan din nito ang mga magsasaka ng Hacienda Luicita.
Naniniwala naman sina Anakpawis Rep. Rafael Mariano at Bayan Muna Rep. Joel Virador na politically motivated ang naturang pagpatay. "Bishop Rameno was a known champion of the people. His murder may be meant to silence him and to end his comforting support to many causes, inluding human rights, civil liberties and good governance," ani Virador.
Nabatid na ang biktima ay nagtalumpati pa laban sa pagsusulong ng Chacha sa Liwasang Bonifacio noong nakaraang Hunyo 12, Independence Day.
Ayon naman kay Task Force Usig chief, Director Gen. Avelino Razon, Jr. na sa kasalukuyan ay hindi pa nila maikokonsiderang bahagi ng extra-judicial killings ang insidente hanggat hindi pa natutukoy ang motibo ng krimen.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest