Pagcor muling nagbabala vs text scam
October 2, 2006 | 12:00am
Minsan pang pinag-iingat ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) ang publiko laban sa ilang indibidwal na nanlilinlang sa pamamagitan ng text message. Napag-alaman ng Pagcor na pinakabagong modus ng mga manlolokong ito na papaniwalain ang kanilang mga bibiktimahin na sila ay nagwagi ng P1 milyon sa "Premyo sa Resibo" raffle promo ng nabanggit na ahensiya at ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Bunsod nito, agad na inatasan ni Pagcor Chairman at CEO Efraim Genuino ang security chief ng ahensiya na si Miguel Leonardo upang tukuyin ang tunay na pagkakakilanlan sa isang lalaking may alyas na "Ben Ruiz" na nagpakilala umanong empleyado ng Pagcor at nag-oopisina sa old Pagcor sa Roxas blvd., Ermita, Manila.
Ang cellphone number na ibinigay ni Ruiz sa kanyang mga nabiktima ay kabilang na ngayon sa talaan ng mga numerong ginagamit sa panloloko na nasa pangangalaga ng Pagcor security office. Nakikipag-ugnayan na rin ang ahensiya sa NBI. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
17 hours ago
Recommended