Pumipigil sa Peoples Initiative binira
September 30, 2006 | 12:00am
Inupakan kahapon ng mga municipal mayors ang elistang grupo na pumipigil sa pagbabago ng Konstitusyon sa kanilang walang humpay na paghamak sa petisyon sa Peoples Initiative na sinuportahan ng 6.3 million verified voters sa buong bansa.
Ayon sa League of Municipalities of the Philippines (LMP), ang mga kritikong ito ng Charter change, karamihan sa kanila ay kilala sa EDSA 1 at 2, ay guilty sa "double standard" sa paninira sa totoong Peoples Initiative dahil sa aktibong pagkakasangkot ng elective officials nationwide, habang pinuri ang dalawang tahimik na pag-aklas bilang People Power revolution sa kabila ng paglahok ng katulad ding local executives.
Sinabi ni LMP spokesman at Naval, Biliran Mayor Gerry Espina Sr., na itong mga personalidad ng EDSA 1 at 2 na kumokontra sa Charter change ay patunay lamang na ang pagkakasangkot ng elected officials ay makokonsiderang bahagi ng People Power na gawain lamang ng mga gustong magpabagsak sa Pangulo.
Sinabi pa ni Espina na kapag hindi pinalitan ang Konstitusyon ngayon ay maaaring hindi na magkakaroon pa ng pagbabago dahil ang maaaring kapalit ni Presidente Arroyo at mga susunod na senador ay hindi papayag na palitan ang Konstitusyon sa panahon ng kanilang termino. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest