Rehab ng PGH sinagot ng SSFI

Pormal na ibinigay kahapon ng Senate Spouses Foundation Inc. (SSFI) sa Philippine General Hospital (PGH) ang pamamahala sa walong bagong surgical at medical wards. Pinangunahan ni Las Piñas Congw. Cynthia Villar ang turn-over ceremony sa 8 wards na mayroong 50 kama bawat kuwarto upang matugunan ang pangangailangan ng mga pasyente buhat sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ayon naman kay PGH spokesperson Dr. Michael Tee, umaabot sa P2 milyon ang ginastos sa naturang proyekto na inaasahang tuluyang matatapos bago sumapit ang Pasko. Ang mga pasyente sa ward ay free board and lodging at ang bibilhing gamot lamang ang kanilang babayaran. Sinabi naman ni Congw. Villar na tanging ang SSFI lamang ang nag-sponsor ng major renovation ng PGH simula ng maitatag ito 99 taon na ang nakakaraan. (Gemma Garcia)

Show comments