4-star ni Esperon lusot na sa CA
September 28, 2006 | 12:00am
Hindi naharang kahapon ng oposisyon ang kumpirmasyon ni Armed Forces Chief of Staff Hermogenes Esperon bilang 4-star general pati ang kumpirmasyon ng 65 opisyal ng militar makaraang pumasa ang mga ito sa Commission on Appointments (CA) matapos na hindi makadalo ang nag-iisang oppositor na si Sen, Jinggoy Estrada sa plenaryo.
Umatras din si Sen. Sergio Osmeña III, sa kanyang oposisyon kay Gen. Esperon na kinumpirma ng CA bilang 4-star general bukod sa nakumpirma din sa kanyang posisyon bilang hepe ng AFP. Ayon kay Sen. Osmeña, hindi nakadalo si Estrada dahil sa karamdaman ng kanyang 13-taon gulang na anak na si Jolo na napabalitang nagkaroon ng dengue.
Sinabi ni Sen. Juan Ponce Enrile, walang batas na nagbabawal na hindi maging AFP Chief ang isang hindi pa ganap na heneral dahil kahit daw koronel lang ay pwede rin na maging hepe. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest