Defensor binusalan ng Palasyo
September 28, 2006 | 12:00am
Pinigilan ng Malacañang si Presidential Chief of Staff Michael Defensor na magsalita hinggil sa halalan habang pinag-uusapan pa sa Korte Suprema ang legalidad ng Peoples Initiative.
Ayon kay Executive Secretary Eduardo Ermita, tinawagang pansin niya si Defensor matapos ihayag ng huli sa media ang listahan ng mga kandidato ng administrasyon para sa Senado.
Kasama si Ermita sa mga binanggit ni Defensor na tatakbo bilang Senador gayong wala naman anya siyang nababanggit pang plano ukol dito.
"Ang sabi ko, Secretary Defensor, masyado ka nang sikat kayat bawat sabihin mo, pini-pick-up ng media. Patawa-tawa lang siya," ani Ermita.
Maging si Budget Secretary Rolando Andaya ay nainis kay Defensor dahil din sa pagsasama sa kanyang pangalan sa mga sinasabing senatoriables ng administrasyon. (Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended